Anak ni Randy Santiago, pumanaw na

Pumanaw na ang 24 anyos na anak ni singer-actor Randy Santiago na si Ryan Leonardo Santiago noong Linggo, Agosto 13.

Sa isang Facebook post na nakita ni ABS-CBN reporter MJ Felipe, kinumpirma ng kapatid ni Randy na si Reily Santiago ang malungkot na balita.

 Sinabi rin ni Reily kay Mario Dumaual, reporter ng ABS-CBN News, na dumanas ng isang pambihirang brain disease at multiple sclerosis si Ryan.

Masisilayan ang mga labi ni Ryan Leonardo mula Agosto 14-16 sa La Salle Greenhills Chapel.

Noong 2015, na-ospital si Ryan Leonardo dahil sa “fungal virus.”

Source: ABS-CBN / PATROL.PH

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com