Arnel Ignacio; Di Mahagilap Sa Opisina. Mga Humihingi Ng Tulong, Nganga!

Usap-usapan ngayon ang pagiging wala lagi sa kanyang opisina ni Arnel Ignacio na itinalagang VP ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ating napatunayan ito ng ilan sa mga mahihirap nating mga kababayan lalo na ang mga may sakit ang ating nakapanayam na mga nagtungo sa opisina ni Ignacio para sana humingi ng tulong dito na nagsabing ilang araw na raw silang pabalik balik sa opisina nito at ni anino man lamang nito ay hindi nila matagpuan o maramdaman sa nasabing opisina ng itinalagang VP ng PAGCOR na matatagpuan sa UN AVENUE MANILA.

Ayon pa sa ating nakuhang impormasyon mula sa artikulo na PALABAN ni Gary Sta.Ana sa diyaryong REMATE, sa kanyang Condominium Unit sa may Greenhills na malapit sa Club Filipino pala ito nagpapatawag ng meeting niya, dahilan daw nito kung bakit lagi siyang wala sa opisina ay dahil sa napakatraffic at hindi daw siya diumano aabot sa kanyang opisina sa UN AVENUE. Ayon din sa artikulo ni Gary may isang bakla daw itong bisita na nagpayo kay Ignacio na gumamit daw ito ng alcohol kasi baka makakuha ng dumi sa mga taong kinakamayan nya na pawang mga mahihirap.

Aba aba ginoong Arnel Ignacio, hindi ka itinalaga ng Pangulong Duterte diyan sa PAGCOR para sundin ang kaginhawaan mo!. Nandyan ka para maglingkod sa mga kababayan mong mahihirap at nangangailangan ng tulong ng PAGCOR!. Hindi ko yata narinig ang dahilan na ma-traffic kaya hindi nagtutungo ng opisina ang mga kapwa mo opisyales diyan sa PAGCOR o kahit sa ibang ahensiya man ng pamahalaan.

Arnel Ignacio, kung kaginhawaan mo lang ang iniisip mo hindi ka nababagay sa pagiging PUBLIC SERVANT! at sa POSISYON mo! kung di mo kayang panindigan at magampanan ang posisyon mo diyan sa PAGCOR eh! siguro mas makabubuti kung MAG RESIGN KANA LANG!

Kung alam mong ma-traffic gumising ka ng maaga. hindi SHOWBIZ ang PUBLIC SERVICE at HINDI ka V.I.P para ang kaginhawaan mo ang masusunod, Ibahin mo ang kalakaran mo sa dating gawi mo bilang Showbiz Personality! Inuulit ko Kung hindi mo kayang panindigan at gampanan ang posisyon mo sa PAGCOR, MAS MAKABUBUTING MAG RESIGN KANA!

-Ulat ni AG09 (MB Researcher)

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com