Asawa Ni Queen Elizabeth II, Inoperahan Sa Balakang

DINALA sa ospital ng Lon­don ang asawa ni Elizabeth II, ang reyna ng United Kingdom (UK), na si Prince Philip, para sa hip surgery, ayon sa pahayag ng Buckingham Palace kamakalawa.

Naka-schedule ang o­pe­rasyon ng 96-anyos na prinsipe sa King Edward VII Hospital kahapon, at tumanggi naman ang ilang opisyal na magbigay ng karagdagang detalye sa operas­yon.

Inanunsyo ng prinsipe nang nakaraang buwan ang kanyang pagreretiro sa pampublikong tungku­lin sa royal service na nag-umpisa nang si Eli­zabeth ay magsimulang mamuno bilang reyna noong 1952.

Dahil sa karamdaman, maraming mga cha­rity event at pampublikong kasiyahan ang hindi nadadaluhan ni Prince Philip ngunit lagi naman niyang sinasamahan ang reyna sa lahat ng okasyon, na magdidiwang na ng kanilang 70th wedding anniversar­y sa Nobyembre.

Source: ABANTE – By 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com