Bakbakan sa pagitan ng AFP at mga pinaghihinalaang ISIS sa Marawi City, Patuloy

Marawi City – Bandang alas 3:20 ng hapon ng magsimula ang bakbakan sa pagitan ng AFP at mga hinihinalang grupo ng teroristang ISIS sa Marawi City.

Ayon sa ating nakuhang impormasyon ay nag umpisa ang bakbakan sa Barangay Caloocan at Markaz Barangay Basak Malutlut Marawi City.

Makikita sa larawan ang mga armadong tao at sasakyan kung saan makikita ang bandila ng ISIS. Ang mga larawan ay nakuha natin na kumalat sa Facebook.

Patuloy parin po tayong kumukuha ng impormasyon upang maihatid sa inyo ang kumpletong detalye tungkol sa nasabing bakbakan.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com