Batas na nagbabawal sa paggamit ng gadgets habang nagmamaneho simula na bukas

Manila – Simula bukas May 18, 2017 ipatutupad na ang batas na nagbabawal sa mga nagmamaneho ng lahat ng uri ng sasakyan ang pagtanggap ng tawag, text o paggamit ng kahit anong gadget pati narin ang paglalagay nito sa harapan ng sasakyan na maaaring makagulo o makasira sa focus ng nagmamaneho.

Ang batas na Anti-Distracted Driving Law ay magsisimula na bukas at ang mga lalabag dito ay maaaring maharap sa penalty na hanggang P20,000.00 at pagkansela ng lisensya.

Sakop ng batas ang mga gadgets na hands-free basta nakakasagabal ito sa paningin o focus ng nagmamaneho.

Titiketan ng MMDA ang sinomang mahuhuli na gumagamit ng gadgets kahit na naka stop ang traffic light.

Sakop din ng batas na ito ang lahat ng klase ng sasakyan maging ito ay private cars, government vehicles, bikes, motorcycles, skateboards, kuliglig, haba-habal, motorized wheelchairs pati narin ang mga nagkakalesa.

Exempted naman dito ang gagamit ng cellphone kung nasa isang emergency na sitwasyon gaya ng pagrereport ng sunog o kaya naman ay may nangangailangan ng serbisyong medikal.

 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com