Buking! Guillermina Barrido Arcillas Nanloko Ng Mga Duterte Supporters

Manloloko!., Yan ang bukambibig ng ilang mga Duterte Supporters matapos nilang mabuking na niloloko sila sa usaping pera ni Guillermina Barrido Arcillas ang babaeng lumabas sa isang presscon kung saan sinabi niya na siya ay binayaran at pinangakuan para maging testigo laban kay President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC)

Ayon sa ating mga nakuhang impormasyon kasalukuyang nagtatalo ang mga DDS na pawang mga hiningan at nagpadala ng pera kay Guillermina Barrido Arcillas.

Matatandaang biglang lumutang sa isang Presscon si Guillermina Barrido Arcillas at sinabing binayaran diumano siya ni Sen Antonio Trillanes, Atty Jude Sabio at iba pa. Idinawit din niya ang pangalan nina Myra De Villa, Maanne Adorna, Ging Lopez, Rodel Jayme at iba pa.

Sa mga sumunod na video ay idinawit din niya ang pangalan ng dating DOTC Secretary Mar Roxas at asawa nitong si Korina Sanchez Roxas na siyang namumuno daw diumano sa The Silent Majority na isang grupo at facebook page na Silent No More.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com