China Magdo-Donate Sa Broadcast System Ng Pilipinas – Malacanang

KINUMPIRMA ni Presidential Commu­ni­cations Secretary Mar­tin Andanar na nagbigay na ng go-signal ang China para ituloy ang proyekto, partikular sa improvement ng infrastructure ng Phi­lippine Broadcast System (PBS).

Isa sa mga nilagdaan niya kasama ng kanyang Chinese counterpart sa bi­lateral meeting ang 17 million RMB o P70 million aid na ibinigay ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Andanar, na­pakagandang indikas­yon ito na talagang com­mitted ang China sa pag­tulong sa government media ng Pilipinas at sa pagpapabuti pa sa ser­bisyo nito sa taumbayan.

Kinumpirma rin ni Andanar na hindi rito nag­­tatapos ang tulong ng China dahil nasabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jian­hua na mayroon pang dag­dag na P100 milyon na tulong sa PBS.

Binigyang-diin ni An­danar sa bilateral meeting na lalo siyang nabigyan ng malinaw na rason kung bakit masaya siya kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbanggit ni Chinese President Xi Jin­ping ang kahalagahan ng media exchange sa pagi­tan ng Pilipinas at China at iba pang bansa sa Asya.

Kaugnay nito, kinum­pirma ni Andanar na ang scholarship na ibinibigay ng China sa mga govern­ment media worker ay magpapatuloy sa susunod na apat na taon.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com