Cleveland, tinalo ng Boston sa Game 3

Matapos matambakan sa dalawang magkasunod na laro, nakabawi na ang Boston Celtics sa Cleveland Cavaliers sa kanilang best-of-7 series sa Eastern Conference Finals.

Pinabagsak ng Celtics ang Cavaliers, 111-108, sa Game 3 ng serye.

Bumida sa panalo si Avery Bradley, na siyang naka-iskor ng three-pointer ng wala ng isang segundo ang natitira para magpalamang sa Celtics. Umiskor naman ng 27 points si Marcus Smart.

Ito ang unang pagkakataon na natalo ang Cleveland sa postseason.

Gumawa ng 28 points at 10 rebounds si Kevin Love, samantalang umiskor naman ng 29 points si Kyrie Irving. Subalit hindi kagandahan ang nilaro ng four-time MVP na si LeBron James.

Labing-isang puntos lamang ang nagawa ni LeBron sa laro, at na-mintis niya ang siyam sa 13 tira. Wala ni isang three-pointer na naipasok si LeBron at gumawa rin siya ng anim na turnover.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com