Def Sec Delfin Lorenzana Inaming Minaliit Ang Puwersa Ng Maute

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na minaliit nila ang puwersa ng Teroristang Maute kaya tumagal ang naging bakbakan sa Marawi.

Masakit man sa mga lokal na opisyal ng Marawi ang kanilang narinig ay nagpakumbaba parin ang mga ito at sinabing kalimutan na lamang ang nakaraan at tapusin nalang ang dapat tapusin.

Sinabi naman ni Def. Sec Lorenzana na hindi na siya mangangako kung kailan matatapos ang bakbakan dahil ilang beses na raw siyang bakukuryente sa mga pangakong binitawan pero gagawin nila ang lahat at balak tapusin ang kaguluhan bago sumapit ang araw ng SONA ng Pangulo.

Samantala kumambyo naman ang DILG matapos makuryente sa mga inilabas na pangalan diumano ng mga Pulitiko na sangkot sa pagpoprotekta ng illegal na droga.

Sinabi naman ng DILG na irereview nila ang nasabing listahan dahil sa mayroong mga pagkakamali.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com