DOJ Sec Aguirre Nakuryente, Batayan Sa Meeting Diumano nila Sen. Trillanes, Sen. Aquino at iba pa sa Marawi. Galing Sa Fake News Site

Muli na namang nakuryente si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre matapos ito maglabas sa media ng pahayag kaugnay ng pagdawit niya sa mga taga Opposition na may naganap daw diumanong meeting sa Marawi ilang araw bago pumutok ang paglusob ng Maute / ISIS group sa lugar na iyon.

Agad naman na nagsalita si Sen. Bam Aquino at pinatunayang hindi meeting kundi tungkol sa pagbubukas ng project ng GO NEGOSYO ang ipinunta nya doon kasama ang ilan sa mga military official para tumulong sa mga tao doon na magkaroon ng pagkakakitaan.

Agad din sinalag ni Sen. Trillanes at Rep. Alejano ang mga paratang at sinabing wala sila sa araw na sinasabi ni Sec Aguirre na nagkaroon ng meeting sa Marawi katunayan ay naglabas na ng isang dokumento na nagpapatunay na nasa Senado si Sen Trillanes at Sen Aquino noong araw na iyon

Napag alaman naman ng Metro Balita Researchers na ang naging batayan ni Sec Aguirre ay galing sa mga posts nila Mocha Uson Blog, Sass Rogando Sassot, Duterte Solid Supporters Facebook Page na mga articles mula sa websites na filipinewsph.net at iba pang fake news.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com