Drug money sa eleksiyon | PATAYAN SA BARANGAY — DUTERTE

HINDI pa man idinada­os ang Barangay at Sangguni­ang Kabataan (SK) Elec­tions, agad nang nagbabala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga mananalong kapitan ga­mit ang drug money.

Dahil dito, nagbanta si Pangulong Duterte na kapag nagkataon ay magkakaroon muli ng panibagong patayan dahil sa pamamayagpag ng iligal na droga.

“But remember that the drug situation is still very, very alive and vicious. So, kung manalo ‘yang mga barangay captains, na-back up ng drug money, eh, pani­bagong away ‘yan. Paniba­gong patayan na naman ‘yan,” ani Duterte sa ope­ning ceremonies ng Na­tional Special Weapon and Tactics (SWAT) Challenge sa Davao City. Matatanda­ang, tiniyak ng Palasyo na tu­loy na tuloy na ang Bgy. at SK Elections sa Mayo kung saan mismong si Senate President Aquilino Pimentel III ang nagpahayag na mala­mig sila sa Senado sa panu­kala sa Mababang Ka­pulu­ngan ng Kongreso na ipagpa­li­ban muli ang elek­siyon.

Source: BULGAR ONLINE – Mylene Alfonso

 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com