Eroplano ng PAL, nag-emergency landing

LAOAG CITY – Nag-emergency landing sa Laoag International Airport (LIA) ang isang Philippine Airlines express na eroplano nitong Lunes ng hapon.

Nag-landing ang eroplanong galing sa Manila Domestic Airport bandang 1:45 p.m.

Ang nasabing eroplano ay papuntang Basco, Batanes at may lulan na 76 na pasahero.

Ayon sa mga kinatawan ng LIA, nakatanggap sila ng tawag mula sa piloto ng nasabing eroplano na mag-divert sila sa Laoag dahil sa hydraulic problem o may problema sa isa sa mga landing gear ng eroplano.

Hindi daw makalapag sa Basco kaya nagdesisyon ang piloto na mag-divert sa Laoag. Maayos naman na nakalapag ang eroplano.

Ayon sa isa mga pasahero na si Peter Avril, isang French national, wala naman daw siyang nahalatang kakaiba sa eroplano. 

Sinabi lamang daw ng crew na mag-emergency landing ang mga ito.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com