Government Workers, Obligado Pumunta Sa Counter Protest Rally Ng Mga Pro Duterte

Kumakalat ngayon sa Social Media ang Screenshot kung saan mababasa ang chat ng isang Government Worker na obligado diumano sila na pinapapunta sa isasagawang Counter Protest Rally ng mga Pro Duterte kasabay ng malawakang protesta na gaganapin ngayon September 21 bilang pagbibigay Suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa post obligado daw diumano sila at na magpunta sa counter protest rally na magpapasimula ng alas 10 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi, libre din umano ang service na bus.

Makikita din sa chat na kung hindi dadalo o sasama ang ay hindi ito marerenew na malinaw ang ibig sabihin ay mawawalan ng trabaho.

Batikos naman naman ang inabot nito sa mga netizens na tila diktador na daw ang administrasyon at bakit diumano inoobliga ang mga government workers gayong hindi naman ito kasama sa kanilang trabaho.

Matatandaan na ilang beses ng nabatikos ang mga Pro Duterte Rally dahil sa di makatuwiran na pag oobliga nito sa mga government workers na magtungo o dumalo sa events lalo na nung lumabas ang isang memo noon na ginawa ng DILG at ginamit pa ang mga sasakyan ng gobyerno bilang panghakot.

Sa ngayon ay may nakuha tayong impormasyon na may nagaganap nga na pag oobliga sa mga government workers pero hindi malinaw kung kanino o sino ang naglabas ng kautusang ito.

You May Also Like

One thought on “Government Workers, Obligado Pumunta Sa Counter Protest Rally Ng Mga Pro Duterte

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com