Grupo ng mga Journalist Naglunsad ng Fake News Blocker

Dahil sa paglaganap ng Fake News ay naglunsad ang grupo ng mga Journalist sa bansa ng Fake News Blocker kung saan layunin nito na maabisuhan o maharang ang paglaganap ng mga pekeng website na nagkakalat ng mga mapanlinlang na balita o impormasyon.

Ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ang Center for Media Freedom and Responsibility (CFMR) ang naglunsad ng Fakeblok noong lunes na isang tool na bantay laban sa mga fake news.

Ang fakeblok ay isang Google Chrome Plug-in kung saan makakatulong ito upang malaman ng isang user kung ang isang balita na binabasa nya o babasahin ay galing o likha ng isang Fake News Site.

Ang Fakeblok ay nadadownload sa Chrome Store ng libre pero maaari din maidownload sa mismong website na Fakeblok.com

Ang mga user naman na makakaenkuwentro o may alam na Fake News Site ay maaaring magreport sa Fakeblok website upang mailagay narin ito sa database at mabalaan ang mga users tungkol sa mga lumalaganap na Fake News Site.

Naglabas narin ang Center for Media Freedom and Responsibility (CFMR) ng list ng ilan sa mga fake news website at kabilang na dito ang Filipinewsph.net na siyang naglabas ng article tungkol sa pagdawit kay Sen Bam Aquino sa Marawi Clash. Narito naman ang link ng listahan ng CFMR CFMR Fake News List.

Nakikiisa naman ang Metro Balita sa paglulunsad na ito ng NUJP at CFMR na labanan ang Fake News at nangangakong tutulong kami sa abot ng aming makakaya na ilahad ang anomang mga Fake News na aming makikita o mababasa sa loob o labas man ng Social Media.

Iniimbitahan naman namin ang mga mambabasa ng Metro Balita at ng iba pang mga News Website na suportahan ang Fakeblok na labanan ang pagkalat ng Fake News.

Visit: Fakeblok Website

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com