Hindi Rehistradong Motor Ng Mga Riders, Nasampolan sa Cavite

MAYNILA – Nasampolan ang higit 7 rider ng motorsiklo na walang rehistro nang mahuli sila sa ng Highway Patrol Group sa Imus, Cavite, Miyerkoles ng umaga.

Unang nasampolan sa Oplan Sita si Roderick Mirina na naiwan umano ang rehistro sa bahay. Na-impound din ang motor ni Wilfredo Villacruzada dahil 2 taon na itong walang rehistro.

Tinitiketan naman ang iba pang mga nahuhuli at binigyan ng pagkakataon na mag-apply ng rehistro para matubos ang kanilang mga motor.

Ayon kay Senior Inspector Wilfredo Sacmar, deputy chief ng Highway Patrol Team ng Cavite, tumaas ang bilang ng mga nagnanakaw ng motor sa probinsiya kaya kinailangan nilang magsagawa ng Oplan Sita.

Pinakamaraming aniyang nananakaw na motorsiklo pag hatinggabi hanggang madaling araw kaya mas maganda kung maglalagay sila ng mga checkpoint.

Naging maayos naman ang operasyon, walang tumakas at walang nanlaban. Sabi ni Sacmar, gusto nilang maging disiplinado ang mga nagmomotor sa Cavite.

Source: ABS-CBN / PATROL.PH

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com