ICC President Nalungkot At Nabahala Sa Pag-Kalas ni PDuterte sa Rome Statute

Ikinalungkot ng pinuno ng Assembly of State Parties ng International Criminal Court (ICC) ang pagkalas ng Pilipinas.

Ayon kay President O-Gon Kwon ng South Korea, nakakabahala ang hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagkalas ng isang State Party sa Rome Statute na siyang nagtatag ng ICC, ay may negatibong impact umano ayon kay Kwon sa paglaban sa impunity.

Kailangan aniya ang suporta ng international community para maging epektibo ang pagtupad ng ICC sa kaniyang mandato.

Kaugnay nito ay hinimok ni President Kwon ang Pilipinas na manatili sa Rome Statute.


“I regret this development. A State Party withdrawing from the Rome Statute would negatively impact our collective efforts towards fighting impunity,” ani President Kwon. “The ICC needs the strong support of the international community to ensure its effectiveness. I encourage the Philippines to remain as a party to the Rome Statute.”

Sinabi pa ng pangulo ng Assembly of State Parties, ang Pilipinas ay isa sa pinaka-aktibong miyembro ng International Criminal Court simula nang maging miyembro ito noong taong 2011.

Nanawagan din si Kwon sa Pilipinas na makipag-dayalogo sa ICC dahil lahat naman aniya na miyembro ay binibigyan ng pagkakataon na magpaabot ng kanilang saloobin.

“All States Parties have the opportunity to voice their concerns before the Assembly, and I call on the authorities of the Philippines to engage in dialogue in this regard,” dagdag pa ng pinuno ng Assembly of State Parties.

Ang Assembly of State Parties ay ang management oversight at legislative body ng International Criminal Court na binubuo ng mga bansang lumagda sa Rome Statute.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com