Trending: Ilang Buyers Ng iPHONE, Biktima Ng Babaeng Nagpakilalang Seller Sa Facebook

Malapit na ang Pasko at Bagong taon kaya naman marami ngayon ang dumidiskarte sa pamamagitan ng pagiging Online Seller at siyempre patok ito para sa mga online buyers dahil sa makakamura kana ay mabibili mo na ngayon sa online ang kahit anong nais mo.

Ngunit hindi din ito pinalalagpas ng mga mapagsamantala dahil nagagamit ngayon ang ganitong sistema para makapanloko ng kapwa, gaya na lamang ng ilang mga buyers ng iPHONE sa mga BUY AND SELL groups sa Facebook kung saan nagkalat ngayon ang larawan ng isang babae na nagngangalang KHIM CELLIZA kung saan nagpakilala umano itong seller ng iPHONE sa murang halaga at ang siste pwede pang hulugan basta magbibigay ka lang ng downpayment at presto ipapadala na diumano ang pinapangarap mong iPhone.

 

Nagkalat ngayon sa Social Media ang mga posts tungkol sa nasabing seller ng iPHONE kung saan sari saring reklamo ang nakapost ngayon kung saan matapos diumano ipadala at makuha ni KIM ang kanilang mga perang pinaghirapan para makabili ng pinapangarap na iPHONE ay hindi na ito nagparamdam at ang ilan naman ay pinangakuan na ibabalik ang kanilang pera ngunit hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang nagiging tugon ang nasabing seller.

 

 

Ilan lamang yan sa mga nakalap nating post ng mga nagrereklamo laban kay Khim Celliza at ang ilan nga ay sa mismong FACEBOOK PROFILE pa ni Khim nagpost ang mga biktima nito.

Nagpapaalala naman ang ating mga otoridad na mag-ingat sa mga modus ngayon papalapit ang PASKO at BAGONG TAON. Ayon sa kanila suriing mabuti kung lehitimo ang nagbebenta, huwag pumayag na magpadala lamang ng pera mas makabubuting meet up process upang makasiguro at huwag makikipagkita ng mag-isa sa seller, magsama ng isa o dalawa para sa pag-iingat.

Bukas naman ang ating Facebook Page para sa panig ni Miss Khim Celliza.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com