Ilang tao sugatan matapos ang pamamaril at pagsunog sa Resorts World Manila

Pasay City – Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang ilan sa mga sugatan sa pamamaril na naganap sa Resorts World Manila ngayong madaling araw.

Ayon sa mga nainterview ay marami pa ang naiwan at hindi nakalabas sa gusali ng Resorts World Manila dahil ang sunog ay nagsimula sa 2nd Floor ng gusali. Patuloy naman ang pagresponde ng mga pamatay sunog at nagdatingan narin ang mga pulis kung saan unti unti na diumano pinapasok ang loob ng Resorts World Manila.

Sa nakuhang impormasyon ng ating kasama medyo numipis na ang usok na lumalabas mula sa gusali ngunit may mga naiwan parin na mga empleyado at guest sa loob at pinangangambahan na ang ilan doon ay sugatan sa pamamaril.

Nangangamba naman at napasugod ang ilan sa mga pamilya ng mga empleyado at guest ng RWM at patuloy na nananawagan sa kanilang mga kaanak na agad na makipag ugnayan sa kanila.

Hindi parin nakukumpirma ang bilang ng mga sugatan at kung totoo na ito ay pag atake ng terorista.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com