ISIS kinumpirmang sila ang responsable ng pag atake sa Resorts World Manila

Pasay City – Kinumpirma ng grupo ng teroristang ISIS na sila ang responsable sa pag atake sa Resorts World Manila.


Ito ang impormasyon ay mula sa international news na Site Intel Group kung saan kinukumpirma ng grupong ISIS ang pag atake.

Sa ngayon ay nananawagan ang TxtFire Philippines na magpadala ang lahat ng mga malalapit na Hospital ng mga ambulansiya sa lugar dahil hindi pa nailalabas ang lahat ng posibleng mga sugatan o patay sa loob.

Kasalukuyan ay muling kumakapal ang usok na lumalabas na posibleng muling may sinusunog sa loob ng gusali.

Dumating naman si CPNP Bato Dela Rosa para magbigay ng instructions sa mga SAF at PNP na nasa lugar.

Hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig ng NCRPO at iba pang mga opisyal sa naganap na pag atake sa RWM.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com