Jeep na pampasada sa Cebu, may libreng WIFI

CEBU CITY- Sa halip na mainis sa trapiko, maaaring mag-internet at mag-charge muna ng mga gadget sa isang pampasaherong jeep na pumapasada sa siyudad.

Ayon sa drayber ng jeep na si Rolly Llenos, ang gimmick na ito ay naisip niya para mas mapasaya ang kaniyang mga pasahero habang bumibiyahe.

Paglilinaw naman ng aminadong “technie” na si Llenos, walang dagdag na bayad ang pag-internet at pag-charge ng mga gadgets sa jeep.

Plano rin ni Llenos na magkabit ng CCTV camera sa kaniyang jeep para sa dagdag na seguridad.

Source: http://news.abs-cbn.com/classified-odd/05/22/17/pampasaherong-jeep-sa-cebu-may-libreng-wifi

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com