Kahit Sino Binabanatan, Mapag-Usapan Lang; Asec Mocha Uson, Kulang Sa Pansin?

Halos linggo linggo ay hindi nawawala sa mga usapin ang pangalan ni PCOO Asec Mocha Uson dahil sa kaliwa’t kanang pang aatake nito kung kanikanino na nagiging dahilan para bumalik sa kanya ang kanyang mga pang aatake na wala sa lugar dahil sa mga kapalpakan nitong nagagawa.

Simula noong panahon ng kampanya ay halos hindi na nawala sa ating pandinig ang pangalang Mocha Uson at ang page nya na Mocha Uson Blog dahil nga sa sunod sunod na pang aatake nito sa mga dilawang pulitiko na nagsilbing tagagawa ng propaganda para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi tuloy mawari ng mga mamamayan kung ano nga ba ang nais nitong si PCOO Asec Mocha Uson. Alam naman natin na laos na siya bilang dancer at tagapagturo ng mga kung ano anong mga bagay tungkol sa pakikipagtalik.

Matatandaan na tinawag ni Mocha Uson na mga PRESSTITUTES at FAKE NEWS ang mga kilalang NEWS NETWORK sa bansa gaya ng ABS-CBN, GMA NETWORK, RAPPLER, INQUIRER at iba pa ngunit ang nakakapagtaka ay tila bumabalik ito sa kaniya dahil sa paggamit nya rin ng mga news article ng mga tinutukoy niyang FAKE NEWS at PRESSTITUTES kapag ang balita ay nakakapabor sa kanyang sinusuportahang pangulo.

Hindi nagtagal ay nabigyan sya ng posisyon sa MTRCB at agad agad ay nagkaissue sya dito dahil sa pang aatake din sa mga kasamahan nya sa MTRCB na naging dahilan para magalit sa kanya ang ilang mga tao sa industriya ng showbiz at sa mismong mga empleyado ng MTRCB at pamunuan nito.

Dahil sa kapalpakan sa MTRCB ay nailipat naman siya bilang PCOO Assistant Secretary kung saan sandamakmak din ang naging kapalpakan nito magmula ng maupo siya bilang ASec ng nasabing ahensiya, ilan dito ay ang paggamit ng maling litrato ng sundalo, paggamit ng maling logo ng kumpanya bilang logo ng Department of Labor and Employment at napakaraming iba pa.

Sa tingin ko ay tila hindi nararapat si Mocha Uson sa ganitong mga posisyon dahil sa imbes na maging magandang ehemplo sya o maging maayos dapat ang pakikitungo ng PCOO sa mga nasa MEDIA at PRESS ay tila kaguluhan ang dala niya dahil sa kanyang PAGPAPAPANSIN!. Kulang nga ba sa PANSIN itong si PCOO Asec Mocha Uson? Kayo na po ang humusga!

Ikaw, Ako at Tayong Lahat Ay May Karapatan Mag Opinion! – METRO Balita

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com