Kalat Na!; Revolutionary Government, Nakatakda Nang Ideklara!

Ito ang naging usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media na nakatakda na diumano ang pagdedeklara ng Revolutionary Government sa kabila ng lantarang pagpapahayag ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana kasama ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila susuportahan ang ninanais ni Pangulong Duterte na isailalim ang bansa sa isang Revolutionary Government.

Kamakailan ay nagpahayag si Bise Pangulo Leni Robredo na nagbigay ng salita sa kanya ni DND Sec Lorenzana at ilang matataas na opisyal ng AFP na nangangakong hindi nito susuportahan ang ninanais ng pangulo kasabay nito ay sinabi din ni Pangulong Duterte na hindi na itutuloy ang nasabing plano at sundin dapat ang ikalawang pangulo.

Matapos ang mga nasabing pahayag ay biglang may lumabas na mga balita sa mga netizens na nakatakda na diumano na ideklara ang Revolutionary Government pagkatapos ng ASEAN Summit na ginaganap ngayon sa bansa at kaya ang pinapakilos na mga tao ngayon ay pinapangunahan ng grupo ni Vivian Velez na siyang lantarang nagsasalita na suportado nito ang nais ng pangulo na magdeklara ng Revolutionary Government.

Matatandaang nagsimula ang usap usapan matapos magpost sa Facebook si Velez na nananawagan sa mga Duterte Supporters na suportahan ang nais ng pangulo na maisailalim ang bansa sa isang Revolutionary Government.

Sa ngayon ay nangangalap parin tayo ng impormasyon kaugnay sa balitang ito.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com