Kampanya Kontra Fake News Pinalalakas, Listahan Ng Ilan Sa Website Na Gumagawa Ng Fake News. Alamin

Manila, Pilipinas – Dahil sa paglaganap ng fake news at sa paglawak ng mga nabibiktima ngayon at ang ilan ay tila mismo gobyerno pa ang nagpapakalat nito ay isinusulong na ng ilang mambabatas at senador na pag usapan ang tungkol dito.

Matatandaang bago pa lamang pumasok ang kampanya para sa 2016 National Election ay nagkalat na ang mga website na nagpapakalat ng mali at mapanirang mga impormasyon sa Social Media.

Dahil sa karamihan sa mga pilipino ngayon ay mayroong social media gaya ng Facebook ay tila naging virus ang pagkalat ng fake news at marami ang napapaniwala nito.

Nitong mga nakaraang araw nga ay biktima si Sen Bam Aquino, Sen Pangilinan, Sen Hontiveros, Sen Trillanes, Rep Alejano at iba pa ng pagkalat ng mga fake news at isa nga sa naging daan pa nito upang mapaniwala ang marami ay ang naging pahayag ni DOJ Sec Vitaliano Aguirre sa pagdawit sa mga taga oposisyon sa pag atake ng grupo ng Maute / ISIS sa Marawi City na ang kanyang naging batayan ay ang litrato galing sa mga ikinalat ng mga fake news websites.

Dahil dito kamakailan ay naglunsad na ang grupo ng mga Journalist at Media katulad ng NUJP at CMFR ng Fakeblok isang Extension sa Google Chrome upang mabigyang babala o harangin ang mga Fake News na maaaring mabasa o maikalat ng isang social media user. Patuloy din ang pagdedevelop sa Fakeblok upang magamit din sa iba pang Internet Browser at Smartphones. Sa ngayon ay maaari rin makatulong ang isang indibidwal para makatulong sa pagsugpo sa mga fake news, magpunta lamang sa website ng FAKEBLOK at maaari mo ng isumite ang website na iyong nakita na nagkakalat o gumagawa ng fake news.

Samantala ito naman ang ilan sa mga website na nagpapakalat ng Fake News

filipinewsph.net

pinoytrending.altervista.org

pinoytrendingnews.net / pinoytrendingnews.com

newstrendph.com

www.asianpolicy.press

www.publictrending.net

www.trendingviral.tk

www.newsinfolearn.com

www.allthingspinoy.com

www.todayinmanila.ga

buzz.definitelyfilipino.com

www.trendingnewsportal.net.ph

www.classifiedtrends.net

netviral.com

www.ignitepinoy.com

www.angatpinoy.info

www.viralhubph.com

www.artikuloph.com

www.balitaph.info

globalnews.favradiofm.com

globalnews.favradio.fm

themaharlikan.info

inewser.com

filipinews.info

newstitans.com

www.pinoythinking.info

Ilan lamang yan sa mga nagkalat na mga websites na gumagawa ng fake news na nagkalat sa social media at kami sa METRO BALITA ay nakikiisa sa paglaban sa mga ito at hinihikayat namin ang mga responsableng Social Media User na makiisa sa paglaban kontra Fake News

Bisitahin lamang ang website ng FAKEBLOK para sa iba pang detalye.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com