‘Lord, Heal Our Land’ Ng Simbahang Katoliko At Iba’t Ibang Grupo, Matagumpay

Photo By: Philstar.com – No Copyright Infringement Intended

Matagumpay na naidaos ang isinagawang ‘Lord, Heal Our Land’ na pinangunahan ng Simbahang Katoliko at Iba’t ibang grupo na naglalayong ipanawagan ang ipatigil ang nagaganap na mga paglabag sa karapatang pantao gaya ng EXTRA JUDICIAL KILLINGS at iba pa.

Dinagsa ng iba’t ibang grupo ang nasabing panawagan at ilan sa mga grupong ito ay ang DAMPI – Democratic Alliance Movement of the Philippines-International, EDSA Pro Democracy, NETCAB – NETizens for Conscience And Bravery, TINDIG PILIPINAS at iba pa.

Ayon sa mga organizers walang halong kulay pulitika ang nasabing panawagan at para lamang ipanawagan ang pagpapatigil sa laganap na EJK at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Dumating naman para sumuporta sina Bise Presidente Leni Robredo, Dating Bise Presidente Binay at mga senador na sina Sen Risa Hontiveros, Sen Kiko Pangilinan, Sen Bam Aquino at Sen Antonio Trillanes. Dumalo din ang dating Commission on Human Rights (CHR) chair Etta Rosales.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com