Mabagal Ang Takbo Dahil Malubak, Lalake Nanipa Ng Sasakyan At Naghamon Ng Away Sa Parañaque

Viral ngayon sa Social Media ang video ng isang lalakeng nakamotor na nanipa at nanghamon sa driver ng isang sasakyan habang may hawak na tipak ng bato sa Barangay Moonwalk Parañaque City.

Ayon sa nilalaman ng facebook post ng may ari ng nag-upload ng video. Binabagtas nya ang kalye ng E.Rodriguez Avenue papasok sa kanyang opisina ng bumagal ang kanyang takbo dahil sa malubak na kalsada bunsod ng ginagawang pipeline ng Maynilad Water sa naturang lugar ng busena ng busena diumano ang lalake at nagsisigaw. Ayon sa nagpost ng video gumanti siya at pasigaw na sinabihan ang lalakeng nakamotor ng “Ang ingay mo” na naging dahilan upang lalong magalit ang driver ng motor.

Sa video maririnig ang paghahamon ng lalake sa driver ng sasakyan kung saan maririnig ang pagsipa nito. Tinangkang kunan ng may-ari ng video ang plaka ng motor at nakita ang plakang 9941-DI na tinangka pang takpan ng kasama ng nagmamaneho ng motor.

Ayon naman sa asawa ng nag upload ng video ipinablotter na nila ang pangyayari sa Barangay Hall ng Moonwalk Parañaque dahil din sa sabi ng mga Pulis na kanilang hiningan ng tulong at umasiste sa kanila ngunit wala din nakakakilala sa nasabing lalake.

Ayon din sa asawa ng nag upload walang suot na helmet ang driver ng nasabing motor, inaalam na din nila ang pagkakakilanlan ng nasabing driver at kanilang iparerevoke ang lisensya nito na sasampahan nila ng reklamo sa LTO.

Samantala makikita naman sa pangalawang video ang kuha mula sa isang netizens na nakasaksi sa nangyari. Kitang kita ang paninipa sa passenger side ng sasakya at hawak na bato ng driver ng motor.

Hindi naman ikinatuwa ng mga netizens lalo na ng mga taga Moonwalk Parañaque City ang inasal ng nasabing driver ng motor dahil talagang babagal daw ang takbo ng mga sasakyan pagsapit ng kanto ng E.Rodriguez at Armstrong Avenue dahil sa ginagawang Pipeline ng Maynilad.

 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com