Malawakang Protesta Kasado Na, September 21. Idineklarang Holiday

Kasabay ng paggunita sa pagdedeklara ng Batas Militar ni dating Presidente Ferdinand Marcos ay kasado na rin ang malawakang protesta sa dalawang lugar sa Metro Manila kasabay ng iba pang lugar sa Luzon, Visayas at maging sa Mindanao.

Ayon sa mga nag organisa ng malawakang protesta nais nilang iparating sa administrasyong Duterte ang mga hindi nito natupad na mga pangako, patuloy na paglaganap ng patayan o Extra Judicial Killings, Pagputol sa usaping pangkapayapaan, pagbibigay ng P 1,000 pesos na budget sa Commission on Human Rights (CHR) at marami pang iba.

Ang nasabing protesta ay dadaluhan ng mga malalaking grupo at mga taga Oposisyon.

Samantala idineklara mismo ni Pangulong Duterte na Holiday o walang Pasok sa lahat ng sangay ng Gobyerno at Paaralan sa Setyembre 21 dahil upang maiwasan diumano na may madamay o may maperwisyo sa mga magaganap na malawakang kilos protesta.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com