Mga kumakalat na post sa Facebook at Text Messages tungkol sa terorismo, Peke

Kasunod ng pag atake ng Maute Group at pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao ay sunod sunod din ang mga naglalabasang mga posts at text messages na kumakalat ngayon kung saan naghahasik ng takot hindi lamang sa mga kababayan natin sa Pilipinas kundi pati narin sa mga nasa ibang bansa na nag aalala para sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay na naiwan dito sa Pilipinas.

Maraming mga posts at text messages ang kumakalat ngayon at amin po kayong hinihikayat na huwag basta basta maniniwala sa mga ito bagkus ay kumpirmahin muna sa mga nasa kinauukulan kung ito ay totoo bago natin ikalat. Tama naman ang kasabihang mas mabuti na ang mag ingat kaysa sa magsisi sa huli pero kung ang mensahe ay halatang nagkakalat lamang ng takot o ng kalokohan ay huwag na po natin pang irerepost o ipapasa sa ibang tao katulad na lamang na “kapag may natanggap na tawag sa numerong 9999777 ay huwag sasagutin dahil nakadetect sa facebook ang bomba”.

Huwag po tayo padadala agad sa emosyon ng takot bagkus ay maging kalmado at manatiling nakasubaybay sa ating mga tv at radyo upang malaman ang mga kaganapan sa ating bansa.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com