OFW ID Na May Larawan Ni Pangulong Duterte, Inalmahan Ng Ilang OFW

Inalmahan ng mga netizens na pawang mga OFW ang inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong disenyo ng OFW ID na may larawan ng Pangulong Rodrigo Duterte. Kinukuwestiyon ng mga netizens na pawang mga OFW ang bagong design na inilabas ng DFA para sa OFW ID. Ayon sa mga nagkalat na post ng mga netizens sinabi nila na hindi tama na lagyan pa ng larawan ng pangulo ang OFW ID dahil hindi naman siya ang magtatrabaho sa ibang bansa kundi ang kukuha nito, bukod pa dito ay sinabi din ng ilang mga netizens na hindi yata ito tutugma sa dating iniutos ng presidente dahil matatandaan na ipinag-utos nito noon na tanggalin ang kanyang mga litrato sa mga tanggapan ng gobyerno at itong DFA naman ay nilalabag ito at hindi lang sa tanggapan ng gobyerno kundi sa mismong ID pa inilagay.

Sample ng inilabas na bagong disenyo ng OFW ID na may larawan ng Pangulong Duterte

Hirit pa ng isang netizens ay tila masyado yatang sumisipsip itong mga nasa DFA na imbes gawing simple lamang ang naturang ID ay nilagyan pa ng kaartehan kung saan ayon sa pagkakaalam nila ay hindi ito gusto ng pangulo gaya nga ng ipinag utos nito noon na alisin ang mga litrato niya na nakadisplay sa mga tanggapan ng gobyerno.

Naunang disenyo ng OFW ID na inilabas ng DFA kung saan walang larawan ng Pangulo

May ilang netizens naman ang natuwa dahil sa maipapakita diumano nito na proud ang mga OFW kay Pangulong Rodrigo Duterte.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com