P8.65-M halaga ng misdeclared beauty products nasabat sa NAIA

MAYNILA – Aabot sa P8.65 million na halaga ng mga “misdeclared” na produktong glutathione at beauty products ang nasabat ng Customs sa NAIA sa Pasay City, Miyerkoles.

Nasilip ng Customs sa x-ray machine ang kahina-hinalang laman ng 2 shipment na may timbang na 927 kilo at 1,120 kilo. Mula ito sa consignee na si James Malinao Halasan.

Sa mga dokumentong isinumite sa ahensiya, idineklara ni Halasan na mga personal na gamit lamang ang laman ng 2 shipment.

Nang buksan ng Customs ang laman ng shipments, tumambad sa kanila ang iba’t ibang gluta at beauty products.

Ayon kay Atty. Vincent Philip Maronilla, tauhan ng Customs sa NAIA, ang bawat pasahero ay pinapayagan lang makapagdala ng nasa P150,000 na halaga mga pasalubong sa balikbayan box.

Nahaharap ngayon si Halasan sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863. Ipapasuri naman muna ang nasamsam na mga produkto sa Food and Drug Administration.

Source:  Raya Capulong, ABS-CBN News

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com