Pagbabanta Ng Mataas Na Opisyal Ng PDP-Laban At Mga Kaalyado Ng Pangulo, Senyales Ng Pagdedeklara Ng Batas Militar

Manila, Pilipinas – Sunod sunod ang mga naglalabasang mga fake news sa social media laban sa mga taga oposisyon kung saan ginagawan sila ng mga pekeng kwento at isyu katulad na lamang ng mga lumabas sa mga fake news site na sinasabing nakuhanan diumano ng litrato si Sen Kiko Pangilinan at Sen Risa Hontiveros na magkaholding hands at marami pang iba.

Bukod sa mga fake news na naglabasan tungkol sa mga taga oposisyon ay sunod sunod na rin ang mga panggigipit na nagaganap sa mga ahensiya ng gobyerno gaya na lamang ng nangyari sa Commission on Human Rights (CHR) na kung saan binigyan lamang ng P1,000.00 na budget ng kongreso para sa taong 2018 at hindi daw nito babaguhin ang desisyon kung hindi magreresign ang kasalukuyang namumuno sa CHR gayon din ang pag file ng impeachment compalint laban kay Chief Justice Sereno at iba pa.

Kalat narin sa Social Media ang sunod sunod na pagbabanta sa mga buhay ng mga hindi sang ayon o bumabatikos sa presidente na pinangungunahan di lamang ng basta Supporters lang kundi ng ilang mga matataas na opisyal ng Partido ng Pangulong Duterte na PDP-Laban katunayan ay trending ngayon ang Post ng PDP-Laban CDO Vice President kung saan ayon sa post nito ay  may sapat na diumanong puwersa ang kanilang grupo at naghihintay na lamang ng Go Signal para umpisahan ang pagdanak ng dugo sa Metro Manila.

Ayon sa mga netizens at ilang mga taong ating nakausap ay senyales na daw umano ito na ang bansa ay napapasailalim sa hindi deklaradong Batas Militar o Martial Law dahil sa ginagawang pinatatahimik ng administrasyon ang sinomang magsasalita laban sa pangulo hindi nga lamang daw ito maideklara agad dahil mukhang hindi sasang ayon ang AFP ngunit nitong nakaraang araw nga lamang ay may kumalat na balita na sa mismong September 21 ay idedeklara ang Batas Militar kung magkakaroon daw diumano ng kaguluhan.

Totoo nga kaya na ang mga pagbabanta ay gagamitin ng administrasyon para ideklara ang Martial Law sa buong pilipinas? Abangan.

You May Also Like

One thought on “Pagbabanta Ng Mataas Na Opisyal Ng PDP-Laban At Mga Kaalyado Ng Pangulo, Senyales Ng Pagdedeklara Ng Batas Militar

  1. May posibilidad na binabalak nila ito para matakot ang mga tao dahil marami na ang nagpahiwatig na hindi sang ayon sa ginagawa ni Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com