Paglilinis Nag Umpisa Na: Ilang Fake News Websites, Blocked Na Sa Facebook

Manila Philippines – Matapos ianunsiyo nitong huwebes ng Social Media na Facebook ang pakikipag partner nito sa Rappler at Vera Files para sa Fact Checking Program upang mapigilan ang pagkalat ng Fake News na siyang nagiging dahilan upang malinlang ang mga mamamayan sa mga impormasyon na kanilang nababasa sa Social Media ay agad itong nagkaroon ng aksiyon.

Ilang netizens kasi ang nagtaka matapos hindi na nila ma-share ang ilan sa mga itinuturing na FAKE NEWS WEBSITE sa kanilang mga facebook wall, groups or pages.

Isa sa mga nasampulan ng pagblocked ngayon ay ang dutertenewstoday.com kung saan hinaharang na ng Facebook ang mga links ng articles ng nasabing website para maishare o maikalat sa pamamagitan ng Facebook.

Ang dutertenewstoday.com ay isa sa mga itinuturing na FAKE NEWS WEBSITE dahil sa mga ikinalat nitong mga maling impormasyon na pawang mga pabor kay Pangulong Duterte kabilang na ang pagpapalabas ng impormasyong diumano ay pinuri ng mga pangulo ng ibang bansa si PDuterte, mabilisang pagpapagawa ng NAIA Expressway at iba pa.

Isa rin ang dutertenewstoday.com sa inilabas na listahan ng mga Fake News sa Wikipedia kung saan naroon ang ilan sa mga nagkalat na mga Fake News Website sa Pilipinas.

List Of Fake News Website – WIKIPEDIA

Sa ngayon ay inaasahang mababawasan na ang mga kumakalat na mga Fake News na nagkalat sa Facebook na siyang nagbibigay ng kalituhan sa mga mamamayan ngayon.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com