Pagnanakaw Tinitingnang Motibo Ng Pag Atake sa Resorts World Manila

Pasay City – Nagpainterview sa media at press si Chief PNP Ronald Bato Dela Rosa at sinabing pagnanakaw at hindi terorista ang motibo ng umatake sa Resorts World Manila.

Ayon kay Dela Rosa nag iisa lamang ang suspek na may dalang mataas na kalibre ng baril at ang lalake ay may tangkad na ayon sa tantiya ay nasa 6 ft., Maputi at inilarawan na isang foreigner.

Nilinaw din ni Dela Rosa na walang binaril ang nasabing suspek na tao bagkus ay pinaputukan lang diumano nito ang LED Television bago binuhusan ng dalang gasolina ang mga lamesa bago sinindihan.

Nakuha din ng mga pulis ang bag ng suspek na naglalaman ng mga chips na ginagamit ng mga nagcacasino na nagkakahalaga ang bawat chips ng 1 Milyong Piso.

Kasalukuyan ay hinahanap pa nila ang suspek at kasalukuyang hinahalughog ang gusali upang malaman kung nasaan nagtatago ang suspek.

Samantala nagtamo lamang ng mga minor injuries at walang namatay sa naturang pamamaril at panununog ng suspek na hanggang ngayon ay hindi pa hawak ng mga awtoridad.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com