Pangako ni PDuterte; Trip to Hongkong sa mga sumukong NPA

PINANGAKUAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sumukong babaeng miyembro ng New People’s Army na kanyang ipapasyal sa Hong Kong at China.

Nasa 48 babaeng NPA ang kasama sa unang batch na mga sumukong miyembro ng NPA mula sa Mindanao ang nagtungo sa Malacañang kamakalawa na nakipaghapunan kasama si Pangulong Duterte.

Ayon sa pangulo, bibigyan niya ng libreng trip to Hong Kong at China ang mga ito para makita ang kaibahan ng pagiging komunista na naging kapitalista at malaman ng dating mga rebelde ang totoong ideolohiya ng komunismo.

Sa kasalukuyan pawang pera o kapital lamang umano ang lumalabas na ideolohiya ng mga ito at hindi ang tunay na pagiging komunismo na ipinaglalaban ang kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino.

Source / Credit : Bulgar Online

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com