Para Bawas Sa Trapik At Aksidente; Motorsiklo, Bawal Sa Edsa

Maaaring pagbawalan na rin sa EDSA ang mga motorsiklo upang mapaluwag ang tumitinding trapik. Ayon sa ulat, sa bawat aksidente na kinasasangkutan ng isang motorsiklo ay maaaring magdulot ng hanggang isang oras na trapik. Kaugnay nito, inatasan ng Metro Manila Council ang MMDA na pag-aralan ang posibilidad na ipagbawal na ang mga motorsiklo sa EDSA.

“Well, dahil kasi national road ang EDSA, Meron tayong batas na kapag national road bawal ang tricycle, bawal ang motorsiklo. So ano ‘yung puwedeng alternative?” – QC Mayor Herbert Bautista.

“Kung talagang mahihirapan tayo at sagabal talaga ang mga motor, puwede silang i-ban na lang sa EDSA, puwede silang dumaan sa side street, ayon naman kay Assistant GM, MMDA Jojo Garcia. Bagama’t nilinaw naman ni Garcia na kailangan muna itong pag-aralang maigi bago ipatupad.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com