Partnership Sa Rappler At Vera Files Inalmahan, Panawagan Ng Singer Na Si Jimmy Bondoc: Delete Facebook!

Matapos ianunsiyo ng sikat na Social Media na Facebook ang kanilang pakikipag partner sa 2 News Agencies sa bansa na Vera Files at Rappler bilang mga katuwang nito sa isang Fact Checking Program upang labanan ang paglaganap ng Fake News o mga mapanlinlang na impormasyon sa bansa lalo na sa Facebook ay agad na nagpost sa kanyang Facebook Account ang sikat na singer at tagasuporta ng Pangulong Duterte na si Jimmy Bondoc nang panawagan na i-delete ang kanilang mga Facebook Accounts.

Sa kanyang facebook post nananawagan si Bondoc sa lahat ng mga DDS o mga Duterte Die-Hard Supporters na kanilang i-delete ang mga fb accounts nila at pangungunahan niya ito sa pamamagitan ng Nationwide Online Petition na mayroong hashtag na #DeleteFacebookIF #FacebookBecomesFriendster.

Humihingi din ng suhestiyon sa kanyang mga followers si Bondoc ng mga posibleng gagamitin nila na Social Media Site na paglilipatan kapag nagdelete na sila ng mga FB Accounts.

Samantala ang nasabing facebook post ay kumakalat sa Social Media na nagbunsod ng iba’t ibang pananaw ng mga netizens na ang karamihan ay hindi pang sang ayon sa panawagan ng singer.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com