Rappler At Vera Files Partner Ng Facebook Para Sa Fact Checking Program

Manila Philippines – Inanunsyo ng sikat na Social Media sa buong mundo na Facebook na kanilang magiging partner sa Fact Checking Program ang RAPPLER at VERA FILES para mapigilan ang kumakalat na FAKE NEWS sa bansa.

Ang RAPPLER at VERA FILES ay nasertipikahan na pawang mga non-partisan International Fact-Checking Network at kanilang rereviewhin ang mga balita at impormasyong kumakalat sa facebook para malaman kung ito ay may katotohanan at pati narin ang pagiging tama o lehitimo ng mga impormasyong nilalaman ng nasabing balita.

“Partnering with third-party fact-checking organizations is one of the ways we hope to better identify and reduce the reach of false news that people share on our platform,” said Clair Deevy, Facebook Director for Community Affairs for Asia Pacific.

Ikinatuwa naman ito ni Rappler CEO Maria Ressa : “It’s what journalists do, and we’re happy to work with Facebook to help create a safe and sane public space for critical thinking and debate,”

Matatandaang sunod sunod ang mga naging pagtalakay sa senado tungkol sa pagkalat ng mga fake news sa social media gaya ng Facebook kung saan pinatawag ang RAPPLER at VERA FILES patungkol dito dahil ayon kay PCOO Asec Mocha Uson ang Rappler at iba pang mga lehitimong NEWS AGENCIES sa bansa ay ang nagpapakalat ng Fake News kung saan tinawag pa nya ang mga ito na PRESSTITUTES.

Naging maingay din ang VERA FILES dahil sa sunod sunod na paglabas nito ng mga artikulo tungkol sa mga naglalabasang mga fake news na pawang mga propaganda ng administrasyong DUTERTE kung saan hayagang sinasabi nila ang mga maling impormasyong lumalabas sa social media.

Naging mainit din ang dugo ng Pangulo sa mga NEWS Agencies na ito na pawang pinatatakbo daw ng mga dilawan at iba pa na gusto siyang pabagsakin at siraan ngunit nakuwestiyon naman siya ng mga netizens dahil sa ang mga naglalabasang FAKE NEWS ay pawang mga PROPAGANDA para sa kanyang administrasyon.

 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com