Recount Ng Mga Balota Para Sa Vice President, Umpisa Na!

Inumpisahan na ng The Supreme Court (SC) bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagrecount sa mga balota para sa Vice President sa naganap na 2016 National Election dahil sa inihaing Electoral Protest ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang katunggaling si dating Congresswoman ng Camarines Sur at ngayon ay Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo.

Matatandaang idineklarang panalo si VP Leni Robredo na lumamang ng 263,473 boto laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Ang pag recount sa mga boto ay isinasagawa sa 5th Floor ng SC-Court of Appeals (CA) Building on Padre Faura, Manila.

Ang pagbibilang na muli ng mga boto ay nagsimula ngayong araw at gagawin tuwing alas 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon lunes hanggang biyernes.

Sinabi naman ni Ma. Carina Cunanan, head ng Property Division and PET Ad Hoc Committee member na todo bantay ang mga security ng SC para maging secure ang isinasagawang pagrecount.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com