Resorts World Manila, Nasusunog Matapos Ang Sunod Sunod Na Pagputok Ng Baril

Pasay City – Nasa unang alarma ngayon ang sunog sa 2nd Floor ng Resort World Manila Pasay City na malapit sa Villamor Air Base matapos ang umalingawngaw na putok ng mga baril.

Ayon sa nakuha nating impormasyon ilang putok ng baril ang narinig sa loob ng gusali kung saan naging dahilan para magtakbuhan ang mga tao palabas ng building.

Ayon naman sa ilang mga saksi sa loob ang mga namaril ay nakabalot diumano ng kulay itim na damit at walang habas na namaril sa loob at may narinig din daw na pagsabog ng bomba na siya daw dahilan para magkasunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Sa ngayon ay patuloy parin po tayong kumakalap ng impormasyon kung ang nasabing pamamaril ay may kinalaman ba sa Teroristang ISIS o Maute.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com