Revolutionary Government, Hindi Suportado Ng Militar

Tila sinupla ng Militar ang nais ng kanilang Commander In Chief na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na lantarang ipinangako ni Defense Secretary Lorenzana at ni AFP chief of staff Guerrero ng Department of National Defense at ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila susuportahan ang planong revolutionary government.

“In-assure tayo, in no uncertain terms, both ni Secretary Lorenzana saka ni AFP chief of staff Guerrero, na hindi sila susuporta sa revolutionary government at [sa] kahit anong threat sa ating Konstitusyon,” ani Robredo.

“Nagtatanong pa din tayo, kasi may mga opisyal ng pamahalaan na involved sa usapin ng revolutionary government. Pero this afternoon, na-assure tayo – at madiin iyong assurance – na hindi sila susuporta sa ganiyan[g mga plano],” ani Robredo.

Kinumpirma ni Duterte na nadiskaril na ang kanyang plano dahil tinanggihan ito ng Defense cluster.

“Tama siya. Tinanong ko ang military. Sabi nila, ‘Hindi kami susuporta ng revolutionary government,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, inayawan nila ang revolutionary government dahil sinabihan sila ni Robredo. Inamin rin ng militar na mas gusto nila ang Pangalawang Pangulo.

“Sabi ko, ‘Why?’ Sabi nila, ‘Dahil sabi ni Vice President Robredo.’ ‘O bakit?’ Sabi niya, ‘Mas gusto namin siya. Babae at saka hindi nagmumura,” dagdag pa ni Duterte.

Sinagot ni Duterte ang militar ng: “O sige. ‘Di hindi tayo mag-revolutionary government.’ Tama, tama siya.”

Samantala, palaisipan parin sa mga Duterte Supporters kung matutuloy pa ba ang naging panawagan ni Dating Sexy Star Vivian Velez na magkaroon ng Support Rally kaugnay sa nais sanang isulong na Revolutionary Government ng Pangulo

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com