Roque sinapian ng masamang espiritu – Trillanes

Binanatan ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV si Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pahayag nito laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ito si Cong. Roque, nasama lang kay Duterte, bigla na lang parang nasapian ng masamang espiritu,” saad ni Trillanes.

May kinalaman ito sa pahayag ni Roque na babatuhin ng hollow blocks ang mga maghahagis ng bato kay Pangulong Duterte.

Kilala si Trillanes na isa sa mga matinding kritiko ni Pangulong Duterte.

Una nang nangako si Trillanes na itutuloy pa rin ang pagbatikos sa mga maling gawain ng administrasyon.

By 

Source: https://www.abante.com.ph/trillanes-roque-sinapian-ng-masamang-espiritu.htm

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com