Sen Gordon Kay Noynoy : Kasalanan Mo, Harapin Mo!.

Nagsalita at iginiit ng isang senador na may pananagutan si Dating Pangulong Benigno Simeon ‘NOYNOY’ Aquino III tungkol sa pondong ipinambili ng kontrobersiyal na bakuna para sa Dengue na Dengvaxia. “Mayroong pagkukulang ang Office of the President na biglang kinuha yung pera na nakalaan sa ibang lugar at inilipat sa last minute,” – Pahayag ni Senador Richard ‘DICK’ Gordon sa pagdinig ng senado tungkol sa issue ng dengvaxia. Gayunman, hindi muna pinadalo si Aquino sa pagdinig. “Out of respect for former President Aquino, hindi muna namin siya tinawag dito,” – Ani Sen Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Photo By: CNN Philippines

Samantala nais din ni Sen Gordon na ipaliwanag ng dating Pangulo ang mga pakikipagkita nito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang French Pharmaceutical Company na siyang gumawa ng bakunang ipinamahagi sa dengue vaccine program na inumpisahan sa ilalim ng nakaraang administrasyong Aquino. Sinabi naman ni Department of Budget and Management Dir. Cristina Clasara na may approval ng Office of the President sa pamamagitan ni dating Executive Sec Paquito Ochoa ang paggamit ng savings para sa dengue vaccine. Ayon kay Classara, bahagi ang P 3Billion na pondo para sa Dengue vaccine sa P12 Billion mula sa MPBF o Miscellaneous Personnel Benefit Fund na ginamit din sa ibang health programs.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com