Sen Lacson Kay SOJ Aguirre, Wala Ka Naman Kadala-Dala

Matapos makuryente sa mga naging akusasyon sa mga kapwa senador ay nagsalita narin si Sen Panfilo Lacson tungkol sa hindi beripikadong mga pahayag ni SOJ Vitalino Aguirre.

Ayon kay Sen Lacson dapat ay nagfafact check muna si Aguirre bago ito naglalabas ng anomang detalye sa kanyang mga akusasyon.

“Parang speaking too soon or shooting from the hip. Kasi siyempre pag may sinabi ang SOJ dapat beripikadong beripikado. Dapat i-fact check mo, tapos check and recheck and recheck,”

Dagdag pa ni Sen Lacson : “Di pwedeng di sigurado ang info e ilalabas mo kaagad. Talagang ma-open ka ma-misquote o kaya makuryente,”

“Wala ka naman kadala-dala,” – Sen Lacson

Matatandaang sinabihan din si Sec Aguirre ni Sen Legarda na magfocus sa kanyang trabaho imbes na magbato ng kritisismo sa mga taga oposisyon.

“Kung lahat ng banat sa inyo sasagutin niyo, hindi na kayo makakapagtrabaho,” – Sen Legarda

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com