Sibalom Antique, Naka RED ALERT STATUS, Matapos Ang Pag-Atake Ng Mga Hinihinalang NPA

Kapapasok lamang po na balita, Kasalukuyang naka RED ALERT Status ang buong Municipality ng Sibalom Antique dahil sa pag-atake diumano ng mga hinihinalang mga miyembro ng NEW PEOPLES ARMY o NPA sa ilang Barangay sa Sibalom Antique.

Ayon sa impormasyon bandang alas 10 ng umaga kanina ng i ambushed ng mga hinihinalang NPA ang Patrol Car ng mga Pulis sa Barangay Bontol, Sibalom Antique na pawang nagsasagawa lamang ng reqular na aktibidades sa lugar ng maganap ang pang aambush.

3 naman sa 13 na pulis ang sugatan na pawang sina PO3 Gabby Orantes, PO3 Michael Alejo at PO3 Salvador Cordero.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit ang mga kapulisan at atin pang veniverify ang ibang impormasyong ating nakalap na mayroon na diumanong pag atake sa iba pang Barangay sa SIBALOM, Antique.

Manatili lamang na nakasubaybay sa METRO Balita para sa karagdagang detalye.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com