Singil Sa Kuryente, Muling Tataas Ngayong Abril

SA kabila ng natapos na ang Semana Santa, tila hindi pa tapos ang penitensiya ng mga consumer makaraang magpahayag ang Manila Electric Company (Meralco) na magtataas ng singil ng kuryente ngayong Abril.

Sinasabing tataas ang kanilang singil ng P0.12 sa kada kilowatt hour sa konsumo sa kuryente.

Base sa naunang advisory ng Meralco, nagpatupad ng P0.97 na dagdag-singil nitong Marso dahil sa tumaas ang singil ng mga power plant.

Ngayong buwan, P0.12 kada kWh na kakulangan sa nakaraang dagdag-singil ang ipatutupad.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com