Sunod Sunod Na Pambubugbog Sa Mga Kabataan Sa Parañaque, Ikinabahala Ng Mga Magulang

Lungsod Ng Parañaque – Ikinakabahala ng mga magulang ng mga kabataan ngayon sa lungsod ng Parañaque ang sunod sunod na mga naiuulat o naipopost ngayon sa Social Media na pambubugbog ng mga grupo ng mga kabataan sa ilang mga estudyante na galing sa Paaralan.

Sa nakuhang impormasyon ng METRO Balita ay may mga naiulat na pambubugbog ng mga hinihinalang miyembro ng Hypebeast.

May mga kumalat sa social media na Facebook na ang kanilang anak, pamangkin o pinsan diumano ay biktima ng mga grupong nangttrip diumano na bugbugin ang sinomang kanilang makursunudahan.

Ngayong araw lamang ay may nagpost sa Facebook Group na Parañaqueños na siyang grupo sa social media ng mga taga Parañaque na biktima ang kanyang anak at pamangkin sa may overpass ng Valley 1 sa may Sucat Parañaque ng pambubugbog ng mga di pa nakikilalang mga kabataaan.

Dismayado naman ang mga magulang at ang iba ay nabahala sa mga ganitong sitwasyon na nagaganap ngayon sa lungsod ng Parañaque.

Ayon naman sa ibang mga komento nais nilang magkaroon ng isang petisyon upang obligahin ang mga lokal na opisyal na maglabas ng ordinansa tungkol dito at dagdagan pa ang mga magbabantay sa mga daan lalo na sa mga dinadaan ng mga estudyante na siyang ginagawang tambayan diumano ng mga grupo na nambubugbog ng makukursunadahan.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com