Suspek Kabilang Sa 37 Patay Na Natagpuan Sa Loob Ng Resorts World Manila

Pasay City – 37 ang patay kabilang ang suspek na natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng gusali ng Resorts World Manila matapos ang pamamaril at panununog.

Ang mga biktima ay na suffocate sa usok dahil sa hindi nakalabas sa gusali. Dagdag pa ni PSupt. Oscar Albayalde karamihan ng mga nasawi ay natagpuan sa Gaming Area.

Hindi pa naglalabas ng impormasyon tungkol sa mga nasawi dahil kinokumpirma pa ito ng mga taga SOCO.

Ayon sa naiulat ng Inquirer sa 35 na nasawi 22 ay Hotel O Casino guest at ang 13 naman ay pawang mga Empleyado ng RWM.

Ayon naman kay CPNP Ronald Bato Dela Rosa na natalo sa sugal ang suspek kaya nito nagawa ang ganung bagay at walang kinalaman ang ISIS sa naturang pangyayari.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com