Tax Reform Bill Hindi Anti-Poor – Malacañang

Itinanggi ng malacañang na anti-poor ang bersyon ng Tax Reform Bill na isinusulong ng Duterte Administration.

Ayon kay NEDA Director General Ernesto Pernia na mas bentahe ito dahil malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipinong maliit lamang ang suweldo.

Paliwanag pa niya kung ngayon ay kinakaltasan ng 32% na income tax ang mga manggagawa, malaki o maliit man ang suweldo, sa ilalim ng tax reform measure ay magiging 25% na lang ang ikakaltas na buwis sa mga may maliliit na sahod.

Ang mga sumusuweldo ng malaki o may katumbas na 5 milyong piso kada taon ang bubuwisan ng hanggang 35%. Gayunman, aminado si Pernia na tatamaan ang mga transport sector dahil tataas ang presyo ng produktong petrolyo at langis na kung saan tataas din ang presyo ng pamasahe.

Ang Tax Reform Bill ay sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill noong lunes at ipinadala agad noong lunes sa liderato ng Kamara at Senado.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com