Tiangong 1 Space Station Ng China, Bumagsak Sa Pasipiko

Nasunog sa re-entry ng atmosphere ng mundo ang Tiangong 1 space station ng China bago ito bumagsak sa central South Pacific nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa China Manned Space Agency, naganap ang re-entry dakong alas-8:15 ng umaga.

Itinuturing naman na ‘successful’ ang re-entry ng space lab subalit mas maganda umano kung hindi ito umiikot pabalik ng mundo.

“It could have been better obviously, if it wasn’t tumbling, but it landed in the Southern Pacific Ocean and that’s kind of where you hope it would land,” ayon kay Brad Tucker, astrophysicist ng Australian National University.

Nauna rito ay ikinabahala ng mga opisyal sa Amerika na maaring bumagsak sa kanilang lupain ang space lab at kumalat ang mga debris na nakalalason.

Source: ABANTE – By 

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com