Trending: Guwardiya At Grab Driver Nagsuntukan!

Nauwi sa suntukan ang matagal na palang pagtitimpi ng isang Security Guard ng Shangri-La Plaza matapos ang ilang beses na pangmamata sa kanya ng isang di pa napapangalanang driver diumano ng GRAB CAR.

Ayon sa kwento madalas umanong dumadaan sa nasabing sekyu ang lalaki sa Shagri-La upang mag pass by ngunit minamasama umano nito ang pagchecheck ng guwadiya ng kanyang bag na siyang SOP o talagang gawain ng guwardiya sa oras na may dumaan sa kanilang establisyementong binabantayan

Kayo na bahal humusga.. security guard vs cutomer (if im not mistaken senior citizen na ata sya).. nangyari ang lahat ng ito sa mall entrance ng Shangri-La Plaza..Justice for tatay!!..

Posted by Dlorah Ocsalb on Wednesday, February 28, 2018

Walang naging paliwanag sa caption ng Video na iniupload ni Dlorah Ocsalb na nagbigay ng iba’t ibang spekulasyon sa mga nakapanood nito kung ano nga ba ang nangyari ngunit nalinawan na lamang ang buong pangyayari ng magpost si Ayapmig Nyleij sa kanyang facebook account patungkol sa tunay na pangyayari

Post From Ayapmig Nyleij 

Maraming salamat sa mga taong inaalam muna ang ugat ng pangyayari bgo umabot sa ganyan at hndi hinusgahan agad base sa kuha ng video…

Hayaan nio po akong ipaalam sainyo kung paano naubusan ng pasensya c kuya guard sa kahambugan ng lalaking nka puti..

Yang lalaking nka puti ay isang grab driver na halos araw2 dumadaan sa pwesto ni kuya guard galing sa mrt station pra lng mag pass by ppunta sa kabilang terminal pauwi at ang siste kinakagalit nia ang pag check ni kuya guard sa bag nia whiches yun ang trabaho (sop) ni kuya guard kya sya nka post sa entrance ni shangri-la. Nung una pinapaliwanag saknya kung bakit chinecheck ang bag nia pero maangas c kuya at mainit ang ulo mumurahin c guardya mamaliitin ang pagkatao at mg hahamon ng suntukan pero pinag pasensyahan sya ni kuya guard dhil iniicp ni kuya guard ung pamilya nya at kailangan nya ang trabaho nia. Mdalas ginagawa yn ni kuyang nka puti tuwing dumadaan gnyan ang approach nia ky kuya guard…..I shortcut na nten ang kwento!

Hanggang umabot na sa sukdulan tao lng c kuya guard nauubusan ng pasensya. Eto na ung nsa video Nung feb.28 2018 muling ngtagpo ang landas nila at this time hndi na nka pag timpi c kuya guard pag pasok ni kuyang nka puti sa entrance padabog nyang nilapag ang bag nya pagka check ni kuya guard..

Customer: ano tapos kna??? (pasinghal)
Guard : opo sir tapos na po (sabay yuko)

Pag daan nya siniko nia c kuya guard ng pasdya pag lingon ni kuya guard minura xia ni customer ng “ano tang*na mo suntukan nlang tayo?” At un na nga hndi na nka pag timpi c kuya guard at pinatulan na c customer..

Note: nakita po sa cctv ni shangri-la ang ginawa ni customer kya umabot cla sa ganyan…

kya po ang ending ng video na yan e dinala sila sa security office pinanuod ky kuyang nka puti ung ginawa nya sa guardia at saka nya npag tanto ang kamalian nya! kya humingi sya ng pasensya ky kuya guard.. at ang nging action ng shangri-la management e ban na ang lalaking yan sa mall nla!

Sa ngayon ang video ay mayroong 4K Shares at 253K ang Views.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com