UBER Suspension, Nagsimula Na

Mula ngayong umaga ay hindi na makakabiyahe ang lahat ng UBER Cars dahil sa inilabas na 1 Month Suspension ng LTFRB.

Kapag sinubukan mag book ng biyahe ay No Cars Available na ang makikita sa kanilang Mobile App

Galit naman ang naramdaman ng mga drivers at mga operators ng UBER dahil sa bukod sa nawalan sila ng pagkakakitaan ay hindi nila alam kung saan kukunin ang pambayad sa sasakyan na hulugan.

Ayon naman sa ilang netizens hindi makatarungan ang ginawa ng LTFRB at nais lamang nitong patayin ang TNVS para kumita ang kanilang iniendorsong Premium Taxi. Dagdag pa ng isang netizens bakit kapag Uber at Grab agad agad sinususpinde samantalang ang ilang taon nang ginagawang kalokohan at pananamantala ng mga Taxi sa mga mananakay nito ay hindi man lamang inaaksyunan o sinususpinde.

Sa pangyayaring ito ay libo libong commuters sa Metro Manila pa lamang ang apektado at magdurusa sa pagkakasuspinde ng Uber.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com